0



Mga mahal naming kababayan, kaunting paliwanag po: hindi tayo humihingi ng foreign assistance o donations mula sa ibang bansa para sa Karen o Lawin dahil nakitang may sapat na pondo ang gobyerno at mga ahensya nito para saklolohan ang mamamayang apektado. 

Dahil walang katiwalian at transparent ang ating ipinatutupad na proseso, kitang-kita na may pondong sapat na magagamit para sa kagyat na pangangailangan. Nagtutulungan ang mga LGU, members ng private sector, ang taumbayan at ang pambansang gobyerno sa pamumuno ni Pres. Duterte para maibigay ang saklolong tulong para sa ating mga kapatid na nasalanta. 

Pagsisikapan natin na paghusayin at linisin ang sistema ng relief and assistance dustribution NANG WALANG HALONG PULITIKA. Hindi madali ang pagbabago --mahirap at matagal din ito, pero kung di natin sisimulan ngayon, kailan pa?
Hindi tayo dapat maging pala-asa at pala-hingi sa mga dayuhang gobyerno kung kaya nating tumindig sa sariling paa. Kung sama-sama, lahat makakaya. #KayaNgPilipinas


SOURCE: dutertetoday

Post a Comment

 
Top