0



Posible umanong matagalan pa ang pagbabalik sa bansa ng naarestong top drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa mula Abu Dhabi.


Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, hindi pa makakauwi ng bansa ang naarestong drug lord dahil iniimbestigahan na rin ito ng mga awtoridad sa nasabing bansa.

Paliwanag ni Carlos, sa ngayon inilipat na ang kustodiya kay Kerwin mula sa Abu Dhabi authorities patungo sa kustodiya ng hawak na ng Ministry of Interior.

Iniimbestigahan ngayon ng Ministry of Interior si Espinosa kung may nilabag na United Arab Emirates law (UAE) habang nananatili sa nasabing bansa.


Samantala ayon sa pahayagang Khaleej Times na nakabase sa Abu Dhabi, gumamit si Kerwin ng tourist visa na iniisyu noong July 26, 2016 gamit ang totoong pangalang Rolan Eslabon Espinosa at nagpanggap na isang sales representative bilang kanyang propesyon.


SOURCE: dyaryo

Post a Comment

 
Top