0


Dahil naging palpak ang isinagawang protesta ng mga Anti-Marcos rallyist noong Biyernes (11/18), nagpaplano sila ngayon para mapadami ang kanilang numero. Binabalak ng mga grupong ito na magsagawa uli ng rally sa November 25. Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinisisi ng mga Anti-Marcos Groups si Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ang pagpapalibing daw kay Ex-President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay isa sa campaign promises ni Pangulong Duterte.




Nagbanta naman ang ilang kilalang taga-suporta ni Pangulong Duterte sa mga may balak na haluan ang tema ng Anti-Marcos rally ng pagpapa-bagsak sa gobyerno. Sa isang Facebook post ni Mocha Uson, nire-respeto niya raw ang kalayaang magpahayag ng mga Anti-Marcos, pero pagdumating daw sa puntong OUST DUTERTE na ang isinisigaw sa rally ay lalaban daw ang mga pro-Duterte.



Magiging mapag-matyag ka rin ba? Pagtatanggol mo rin ba ang gobyerno sa mga gustong gamitin ang Anti-Marcos rally para sa kanilang sariling interest?



[SOURCE]  

Post a Comment

 
Top