0


Ilang hakbang na lang sa kaniyang bahay, hinoldap at pinatay pa ng salarin ang isang babae sa barangay San Isidro sa Makati City. Ang biktima, pangalawang beses nang tinarget ng mga kriminal.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Catalina Aguas, 47-anyos, na nagtamo ng tama ng bala sa sentido na kaagad niyang ikinamatay.

Sa imbestigasyon, sinabing pauwi na at ilang hakbang na lang sa kaniyang bahay si Aguas dakong 4:00 am nang holdapin ito ng salarin na nakamotorsiklo.

Kuwento ng pamangkin ng biktima, nakarinig siya ng sigaw ng babae na sinundan ng putok ng baril.

Hindi umano niya inakala na tiyahin niya ang naging biktima.


Ito na raw ang ikalawang beses na naholdap ang biktima pero noong una ay hindi umano nagtagumpay ang mga salarin.


Nakuha umano ng holdaper ang lahat ng gamit ng biktima.

Sa kuha ng CCTV sa barangay, nakita na bago ang krimen, nakasalubong na ng biktima ang salarin na nakamotorsiklo.

Hinala ng mga awtoridad, sa sandaling iyon ay kinilatis na ng kawatan ang biktima kung mayroon siyang makukuha rito.

Sa sumunod na pangyayari, makikitang armado na ng baril ang suspek na bumaba sa motorsiklo at inagaw ang bag ng biktima.

Nang hindi ito binitiwan ng biktima, pinukpok siya ng baril sa ulo at saka pinaputukan nang matumba para makuha ang bag.

Nangako naman ang pulisya na gagawin ang lahat para makilala at madakip ang salarin.







So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, 
and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.



[SOURCE]

Post a Comment

 
Top