0


MANILA - Namamaga at nagdudugo pa ang kanang mata at labi ng fourth year accountancy student na si Paolo Reyes matapos pagbubugbugin kahapon ng dalawang lalaki sa tapat ng isang kainan sa P. Noval, Sampaloc, Maynila.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 469, bandang 5:30 p.m., makikitang pumarada ang sasakyan ni Reyes at biglang lumapit ang dalawang babae sa sasakyan at nakipagkwentuhan sa kanya.


Pagkaraan ng ilang minuto ay sumugod na ang dalawang lalaki. Lumayo na ang mga babae. Pumasok naman sa passenger's side ang isang lalaki at dito na umano pinagsusuntok si Reyes gamit ang brass knuckles.

Lumabas si reyes at lumapit ang isa pang lalaki. Sa kalye na siya sumunod na binugbog ng dalawang suspect.

Kwento ng barangay officials, ka-text ng biktima ang isa sa mga babae at nagkasundo umano sila na magkikita sa lugar kung saan nangyari ang pambubugbog.

Tumangging magpainterview ang biktima na ayon sa kanya ay selos ang motibo ng pambubugbog sa kanya. Nakilala ng biktima ang mga suspek at desidido siyang sampahan ang mga ito ng kaso. – Umagang Kay Ganda, 07 Marso 2017







So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.




Share this story!
Visit and follow our website: Filipinews
© Filipinews.info
Share to Facebook Share to Twitter

Loading...

Post a Comment

 
Top