0

Imahe mula sa Facebook page ng Straits Times/Uniquely SG


Arestado ang isang 36-anyos na Filipino engineer sa pagkuha ng video sa upskirt ng isang babae sa Mass Rapid Transit (MRT) stations sa Singapore.

Ayon sa ulat ng Straits Times, si Jan Benedict Mendoza Fuellas ay aminado sa pag-iinsulto sa modesty ng isang 26-anyos na babae sa Bukit Panjang MRT station at  sinampahan ng  7 counts ng intruding sa privacy  ng hindi kilalang babae.


Sa salaysay ng isang saksing Singaporean, edad 24, si Fuellas ay kahina-hinalang nakatayo malapit sa isang babaeng nakasuot ng kulay orange na damit at napansin niyang tila vini-video nito ang babae.

Inalerto niya ang babae at agad na ipinadakip ang suspek sa taga-control center ng istasyon.


Dito na natuklasan ang mga nai-record naniyang koleksiyon. Nadiskubre ng station master ang kabuuang 38 upskirt videos na nakatago at may password sa cellphone ni Fuellas.

Si Fuellas ay nahaharap sa 16 na linggong pagkakabilanggo.



[SOURCE]




So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.




Share this story!
Visit and follow our website: Filipinews
© Filipinews.info
Share to Facebook Share to Twitter

Loading...

Post a Comment

 
Top