0


Bago pa napatay si Abu Saad , nakapanayam pa ito ng mga awtoridad at nagsiwalat ng rebelasyon tungkol sa pagtungo sa mga abu sayyaf sa Bohol.

• Umamin si Saad na  siya ay isa sa mga nakasakay sa isang bangka sa tatlong kumpits (fast twin-engine na bangka) na pumasok sa isang bayang ng Inabanga sa Bohol noong Abril 10.

• Ayon sa mga pinagkukunan nakakaalam sa imbestigasyon ni Saad, siya ay kinomisyon ni Abu Rami na dalhin at ihatid sila sa Bohol at binayaran ng mahigit sampung libo.


• Nagsiwalat ito na meron siyang mga tao sakay sa  kanyang bangka habang ang pangalawang bangka karga ang mga armas at mga pamsabog at ang ikatlo ay puno ng mga probisyon at logistik na materyales.

• Sinabi rin ni Saad na nagsisisi siya sa pagpunta niya dito sa Bohol dahil hindi niya kabisado ang Bohol. Gusto man niyang manatili pero ito ay utos ng kanilang napatay rin na leader na si Abu Rami.


• Sinabi rin niya ang dahilan kung bakit pumunta sila ng Bohol ay upan magsagawa ng pagkidnap at gumawa ng base ng kanilang grupo sa Bohol.

• Inaming may tama ng bala sa balikat si Abu Saad at inamin din na may ugnayan at komunikasyon sila sa kadadakip din na bomb expert na  si Dongon kasama ang umanoy karelasyon niyang pulis na babae para magrescue sa kanya.



• Isiniwalat din na pagkatapos nilang tumakas sa bayan ng inabanga, dinala sila ni Joselito Melloria sa Clarin upang doon sila maghintay sa kanilang rescuers.

• Habang nasa Clarin, nagtago raw ito sa isang kweba sa brgy. bacani pero natunton ito ng mga awtoridad at nagpalitan ng putok at naunang namatay si Melloria.

• Iba pang mga dalawang miyembro nagsitakbuhan sa ibang direksyon at si kiram at ang kasama nito tumakbo patungong brgy. caboy pero napatay ang mga ito.

• Nakaligtas si Saad sa bakbakan at tumakbo at nagtago sa mga tao doon pero lumutang ito dahil di na matiis ang gutom na nararamdaman at itoy naaresto. Meron siyang alam sa nangyari sa dalawang miyembro pa ng Abu Sayyaf.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.




Share this story!
Visit and follow our website: Filipinews
© Filipinews.info
Share to Facebook Share to Twitter


Loading...

Post a Comment

 
Top